Power~!

Hello sa inyong lahat. May nagsabi sa akin hindi na daw ako ganun kadalas mag-post. Haha sorry na. Tamad talaga akong tao.

It’s 1:10 AM and I’m widely awake kasi kakagising ko lang.

Hmm. So ano nga bang magandang pag-usapan ng makatulog na ako?

Kailangan ko pang magising ng maaga kasi may pasok ako sa school.

Speaking of school, ‘yun na lang ang pag-usapan natin.

Nag-aaral ako sa Pangasinan State University. Grade 11 na ako at ang strand ko ay STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics). At ang masasabi ko sa strand na ito, ay napakahirap ng mga subjects kasi di ako ganun kagalingan sa Mathematics. Hindi ako nababagay sa strand na ito pero ito pa din yung pinili ko.

Undecided kasi talaga ako sa pipiliin kong course. Pero nang dahil dito sa pagbablog, doon lang ako nakapag-decide. Gusto kong i-take ang MMA (Multimedia Arts)

Hindi naman sa magaling, marunong lang ako sa arts. Maraming nagsasabi na may talent daw ako dito at doon daw ako nababagay. Nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa MMA at isa na doon ang paggawa ng blog kaya pinili ko ito. Pinili ko ito kasi mas gusto kong mag-enhance na lang ang skills ko kesa sa magdagdag ng panibago.

Mahilig kasi akong mag-edit ng mga pictures at videos. At noong bata pa ako, mahilig akong manood ng cartoons (halos lahat naman tayo diba?) Bata pa lamang ako ay inoobserbahan ko na kung paano iyon isinasagawa.

Masasabi kong napaka-weird talaga ng mga pangarap ko noong bata ako. Kadalasan kasi ay nakukuha ko sa mga panaginip ko. Tulad na lang ng pagkakaroon ng kakayahang lumipad, pumunta sa future, maging sirena o kaya maging si Darna. Gusto kong magkatotoo ang mga panaginip ko kahit imposible. Pero ika nga ng karamihan, nothing is impossible. Nagkaroon ako ng ideya :idea:.

Paano kaya kung magkaroon ako ng kapangyarihan…

Kapangyarihan na gumawa ng bagong mundo at kontrolin ang bawat pangyayari.

Kapangyarihang tutulungan akong gawin ang mga pangarap ko.

Pangarap sa pangarap

Pangarap kong maging animator. Pangarap kong gumawa ng mga bagay na napakaimposibleng mangyari. Yun ang gusto ko.

Kapangyarihan sa Pangarap. Pangarap magkapangyarihan.

At para makuha ang kapangyarihang ito, ay kailangan kong mag-aral ng maigi. Kaya matutulog na ako, mag-aaral pa ako bukas. Good night.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s