Tuturuan kita

TUTURUAN KITA

Tuturuan ka ni Vanessa Baldueza

Tuturuan kita kung paano kumanta
Unang-una sa lahat, pumili ka ng isang kanta
Isang kanta na sa boses mo ay tutugma
Piliin mo yung kantang hindi lang dahil magandang pakinggan
Dapat naglalaman din ito ng lirikong sasakto sa iyong nararamdaman

Parang noong pinili kita
Pinili kita hindi lang dahil masaya kang kasama
Na tila pagsasama natin ay nakakagawa ng isang napakagandang musika
Pinili kita kasi saktong-sakto sayo ang salitang mahal kita
Oo, Pinili kita kasi mahal kita.

Pero hindi lahat ng musika, magandang pakinggan
At lahat ng musika ay mayroong katapusan
Pero alam mo kung anong mahalaga?
Napakinggan ko ang akin at iyong nararamdaman
Isang tunog na paulit-ulit, isang ritmong walang katapusan.

Tuturuan kita kung paano gumuhit
Gumamit ka ng lapis at gumawa ka ng linya
Nasa sa iyo na iyon kung gusto mong habaan o kaya iklian
Pwede ka ring gumuhit ng linyang walang hanggan
Basta ang importante ay makagawa ng isang obra

Gumuhit ako ng linya ng ating pagsasama
Hindi ako nakagawa ng isang linyang walang katapusan
Pero alam mo kung anong mahalaga?
Nakagawa ako ng isang napakagandang obra maestra
At patuloy pa din akong guguhit gamit ang maiiksi at mahabang linya

Pero hindi lahat ng obra ko ay maganda
Kaya sa una’y dapat lapis ang gamitin muna
Para sa bawat pagkakamali ay madali itong mabura
Pero alam mo kung anong mas maganda?
Huwag mo munang diinan ang mga linyang walang kasiguraduhan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s