Perks of ‘Agosto Pasukan, Mayo Bakasyon’

Nag-aaral kasi ako sa isang paaralan kung saan August ang pasukan tapos Mayo ang bakasyon. Ngayon lang naman so hindi pa ako masyadong nakaka-adjust. Ganito pala yung feeling

  • Summer class iz real. Summer na summer nag-aaral. Ang init jusko. Hindi kami makapag-concentrate. Nakakaantok, nakakatamad.
  • Goodbye bahay, Hello school. Nakakainggit yung mga nagpopost ng mga taong nagbabakasyon na. Yung mga ‘At resort ATM’, samantalang tayo ‘Nag-aaral pa ATM‘ lang.
  • Pahirapan sa pagkuha ng baon. Nasanay kasi yung mga magulang ko na June ang pasukan ko kaya hindi sila naniniwala agad-agad na may pasok pa ako. Grabe sila diba :< (Hindi sila yung nagpapasok sa akin kaya hindi sila ganun ka-aware)
  • Tag-ulan ang bakasyon natin. Actually masaya din kasi hindi ganun kainit para gumala kaso hassle kapag umuulan na.
  • Kailangang gumising ng maaga. Nasanay kasi tayong tinatanghali tuwing bakasyon. Pahirapan sa pag-a-adjust ng mindset haha. Pero wag ka, maaga na akong nagigising ngayon, HINDI KO KASI KAYA YUNG INIT BES.
  • Uy gagala kami. Sama ka?Yung feeling na nagyayaya yung mga katropa mong nag-aaral sa ibang school. Nakakalimutan din nilang hindi mo pa bakasyon.
  • Rule breaker na si aq. Bawal kasi sa school namin yung ripped jeans, half pants, pero mainit talaga bes kaya hindi ko maiwasang magsuot ng mga ipinagbabawal nila (Sana kasi may uniform na kami eh no? *ehem* *ehem*)
  • Time is gold. Natatawa ako sa mga kaklase kong tanong ng tanong kung anong oras na tuwing last subject. Yung mga nagka-countdown. Yung mga gusto ng umalis sa mala-impyernong room dahil sa sobrang init. Speaking of impyerno;
  • Hell University ang nais bes. Isa ito sa mga sikat na Wattpad story na gustong-gusto ng mga kaibigan ko pero hindi ko gusto (Sorry author) . Feeling ko nasa Hell University kami. Bukod sa mala-impyerno ang room. Mala-impyerno din ang mga requirements. Sa katunayan, dapat ginagawa ko na yung ‘Pananaliksik’ ko ngayon haha
  • Hindi lang tayong mga estudyante ang nahihirapan, mga guro din. Hindi ko alam kung paano nakakaya ng mga gurong magturo sa ganitong kainit na panahon. Paano pa kaya kapag kulob yung room tapos nangangamoy yung mga estudyante ‘no? Hmm. Hahaha jk.
  • Lunch? Wag na. Nakakatamad ng mananghalian ng dahil sa sobrang init. Yung tipong maglalakad ka pa papuntang Carinderia, pipila, sisiksik, maghahanap ng mauupuan, kakain habang tagaktak ang pawis kaya mas pinili ko na lang na huwag na lang kumain ng lunch. Snacks na lang lol. Alam kong nakakasama sa health pero ganun talaga bes. Struggles.

 

Grabe bes diba? Tara countdown. HAHAHAHA. Hindi din namin sure kung kailan yung exact date ng bakasyon. A U Q N U A H

So ayun lang. May idadagdag pa ba kayo? Maraming salamat sa pagbabasa

VM

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s